Project Noah, puwede nang ma-access ng publiko | Stand for Truth

2021-11-09 1

Kahapon ang ika-walong taong anibersaryo ng pananalanta ng Super Typhoon Yolanda.



Noong panahong ito, nakatulong nang malaki ang Project NOAH o Nationwide Operational Assessment of Hazard sa pagbibigay ng early warning signals.



Taong 2014, matinding pagbaha naman ang dinulot ng Typhoon Agaton sa Butuan City. Sa kabila nito, walang naitalang pagkamatay sa lugar dahil sa text messages ng Project NOAH na naghatid ng hazard specific, area focused at time bound warnings sa LGUs.



Sa pagkawala ng pondo ng gobyerno sa Project NOAH noong 2017, sinalo ito ng UP Resilience Institute. Ngayon, muli itong binubuhay para magamit ng publiko.



Panoorin ang report ni Lilian Tiburcio.